Aabot sa 37 Pilipino sa Ukraine ang magtutungo sa Poland sa ilalim ng repatriation effort ng pamahalaan.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola, sakay ang mga ito ng bus na nirentahan ng embahada, patungong LVIV kung saan sasalubungin sila ng mga ambassador ng bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 181 na Pilipino na sa Ukraine ang nakipag-ugnayan sa embahada ng pilipinas sa gitna ng tensiyon doon.
Tiniyak naman ni Arriola na pangunahin niyang concern ay ang kalagayan ngayon ng mga Pilipino sa Ukraine.
Una nang sinabi ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., na magtutungo ito sa border ng poland upang hintayin ang unang batch ng repatriates. - sa panulat ni Abigail Malanday