Nasa 371 na violative online posts na nagbebenta ng mga gamot ang tinanggal ng Food and Drug Administration (FDA), partikular sa Lazada, Shopee at Facebook.
Ayon kay FDA Deputy Director Oscar Gutierrez, halos doble ito sa naitala nilang bilang noong 2020, habang nasa 1,642 violative posts naman ang inalis noon 2021.
Kaugnay nito, sinabi ni Gutierrez na nakipagtulungan na sila sa facebook at bumuo ng “FB Consumer Police Channel (CPC).”
Ito ay upang mapahintulutan ang FDA na direktang i-report ang mga content na maaaring lumalabag sa mga polisiya ng social media platform at burahin ito o i-turn down.