Nasa final stage na ang isinusulong na revolutionary government ng People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change.
Ayon kay Bobby Brillante, national coordinator for revolutionary government committee, dalawang taon na silang nag iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipaliwanag ang tungkol sa rev gov.
We are about 80% done, dahil dalawang taon na namin itong iniikot sa buong bansa,” ani Brillante.
Sa ngayon anya ay naghahanda na silang mangalap naman ng pirma upang iprisinta sa kongreso at sa Pangulong Rodrigo Duterte at patunayan ang hinaing ng taongbayan na humihingi ng pagbabago.
Nagkakasa rin anya sila ng national caravan mula Cagayan hanggang Mindanao at pabalik ng Metro Manila upang idulog sa Malacañang ang kanilang plano at tanungin ang pangulo kung handa ba syang pamunuan at ipatupad ang nilalaman ng kanilang manifesto.
Ipinaliwanag ni Brillante na ang rev gov ay isang panandaliang extra ordinary power para linisin at palitan ang anya’y corrupt at bulok na political system upang muling buuin ang mga institusyon, pabilisin ang justice system at delivery ng mga serbisyo sa mamamayan.
Sa ilalim ng rev gov, mawawalan na ng bisa ang 1987 Constitution, masusupinde ang mga batas at institusyon, mababakante ang lahat ng elective at appointive positions para palitan ng mga pro-people oriented na mga officer-in-charge.
Ito ay tatagal lamang doon sa panahon ng panunungkulan ng ating kasalukuyang presidente at bise presidente na hindi lalampas doon sa June 30, 2022. Dapat kasi, ang isang revolutionary government, bilang emergency measure, ay meron tayong line, hindi ‘yun pwedeng forever tulad ng ginawa ni Marcos na nagdeklara sya ng martial law. Asahan natin na ang revolutionary government ay tatagal ng isa’t kalahating taon o isang taon, hanggang ‘yung mga pagbabago ay nagawa, lalung-lalo na ‘yung pagtatag ng bagong konstitusyon,” —sa panayam ng Ratsada Balita