Aabot sa 379 team leaders at miyembro ng Provincial at Municipal Drug Enforcement Units ang isinailalim sa random drug test sa pangunguna ni Police Lt. Col. Raymond Celoso.
Katuwang ni Celoso ang regional forensic unit 6, sa pangunguna ni Police Captain Ace Baldevieso at Provincial Investigation and Detective Management Unit.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng Enhanced Revitalized PNP Internal Cleansing Program na may layuning masiguro ang integridad at kredibilidad ng mga operatiba laban sa ilegal na droga.
Ang sinumang magpopositibo sa nasabing pagsusuri ay awtomatikong aalisin sa kanilang serbisyo.