Nasa 37,000 Sinovac COVID-19 vaccines sa Quezon Province ang hindi umano nagagamit dahil ayaw ng mga residente na magpaturok nito.
Sinabi ni Dr. Tiong Eng Roland Tan, Assistant Department Head ng Integrated Provincial Health Office ng lalawigan, na problema ang vaccine hesitancy at pagpili ng brand ng bakuna sa probinsiya.
Aniya, nag-aalisan ang mga residenteng pumipila para magpabakuna kapag nabatid ng mga ito na Sinovac ang ituturok sa kanila.
Samantala, sinabi naman ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na malaki ang kontribusyon ng Sinovac vaccines sa isinasagawang pagbabakuna sa bansa.
Giit ni Galvez, kung hindi bumili ang pamahalaan ng Sinovac ay posible aniyang hanggang ngayon ay wala pa sa kalahati ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico