Pumalo na sa 38 katao ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang factory sa China.
Ayon sa Chinese Government, 2 na ang nasugatan sa sunog na naganap sa Anyang, Henan Province.
Hawak naman ng mga otoridad ang suspek sa sunog na 7 oras bago maapula.
Nabatid na batay sa preliminary investigation, dahil sa paglabag sa welding protocols ang sunog na iniimbestigahan pa ngayon.