Patay ang 38 katao habang 6 na iba pa ang sugatan matapos masunog ang isang care home sa central China.
Ayon sa Work Safety Bureau, sumiklab ang apoy sa Old People’s Home o kanlungan ng mga matatanda sa lungsod ng Pingdingshan.
Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations habang iniimbestigahan ang sanhi ng naturang sunog.
By Jelbert Perdez