Nakauwi na sa Pilipinas ang 38 distressed overseas Filipinos mula Cambodia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), na-repatriate ang mga Pinoy sa tulong ng Philippine Embassy sa Phnom Penh at ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng DFA.
Magugunitang na-stranded sa Cambodia ang mga ito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.