Tinanggal sa serbisyo ang 38 police commanders sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Dionardo Carlos, inilipat ng puwesto ang mga pulis kabilang na ang Provincial Directors, City Directors, at Chiefs of Police upang maiwasang masangkot ang mga ito sa politika.
Sinabi ni Carlos na ang mga sinibak sa puwesto ay mga overstaying na sa kanilang posisyon habang ang iba naman ay pinili ng mga Incumbent Mayors o ng Gobernador na kumakandidato sa 2022 national and local elections.
Ang naturang hakbang ay napagdesisyunan ng liderato ng PNP batay na rin sa assessment na isinagawa sa pamamagitan ng rotation policy sa kanilang hanay.—sa panulat ni Angelica Doctolero