Inihayag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Co-Chief Dr. Kezia Lorraine Rosario na 38 vaccination sites sa NCR ang nakatakdang lumahok para sa vaccination drive sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang bukas, Pebrero a-7.
Ayon kay Rosario, magkakaroon din ng iba pang pediatric vaccination sites na magsisismula nang mas maaga kaysa sa ibang bahagi ng bansa.
Sinabi rin ng NVOC Co-chief, na aabot sa 1,000 bata ang inaasahang mabakunahan sa unang araw ng inoculation program para sa nasabing age group.
Samantala, inihayag ni Rosario, na naghahanda ang kagawaran sa pagbabakuna sa mga nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang sa iba pang bahagi ng bansa sa Pebrero 14.—sa panulat ni Kim Gomez