Tinanggihan ng Pilipinas ang 6.1 Million Euro o 380 Million Pesos na aid ng European Union.
Ito ang kinumpirma ni EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen makaraang ibalik ng Pilipinas ang Financial Agreements ng Trade-Related Technical Assistance na lalagdaan sana noong isang taon.
Ayon kay Jessen, noon pa sanang Disyembre lalagda sa kasunduan ang Pilipinas subalit ini-atras ito ng gobyerno.
Isa anya sa mga posibleng ring mabasura ang mga financial aid na may kaugnayan sa renewable energy na aabot sa 40 Million Euros o 2.5 Billion Pesos tulad ng pagtatayo ng mga solar power plant sa Mindanao.
Maka-ilang beses ng sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang E.U. dahil sa mga kaakibat nitong kondisyon sa ipinamamahaging tulong sa Pilipinas.