Umabot na sa 380 na mga pamilya o 1,686 na indibidwal sa Batangas ang na-evacuate na mula sa kapahamakan dala ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Sa bulletin na inilabas ng CALABARZON Regional Police Office, ang mga mga evacuees ay binubuo ng 311 na mga pamilya mula sa Laurel; 42 pamilya mula sa Balete; 27 pamilya sa Agoncillo at 118 na mga pamilya naman sa Talisay sa Bantangas.
Kasunod nito ay idineploy na ang nasa 64 na mga search and rescue personnel sa 26 na mga evacuation centers para umalalay sa mga residente sakaling kailanganin ng mga ito.
Samantala, patuloy ang babala ng Phivolcs sa publiko na makinig sa mga awtoridad hinggil sa pag-iingat na ginagawa sa kanilang mga lugar laban sa banta ng Bulkang Taal.