Umabot sa higit 38,000 katao ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) na makaalis ng Pilipinas noong 2019.
Ito ay bilang parte pa rin ng mas pinaigting ng kampanya ng ahensya konti human trafficking.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mas mataas ito ng 16% kumpara noong 2018.
Aniya, karamihan sa mga ito ay walang maayos na requirements at ang iba ay nakapagsumite ng dinoktor na dokumento.
Samantala, higit 400 pasahero naman ang nai-turn ober sa Inter-Agency Council Against Human Trafficking para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.