Halos tatlumpu’t walong libong (38,000) potensyal na biktima ng human trafficking ang napigilan ng Bureau of Immigration o BI noong nakaraang taon.
Sa report ng Bureau of Immigration, karamihan sa mga pasaherong ito ay lalabas sana ng bansa mula sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA at sa mga daungan sa Mactan, Clark, Kalibo, Iloilo, Davao at Zamboanga.
Ayon kay Julius Caesar Feria II ng Inter-Agency Council Against Trafficking, karaniwang peke ang dalang papeles ng mga pinigil na pasahero.
Karamihan aniya ay patungo ng Middle East bilang mga tourist workers samantalang ang iba pa ay sa Europe, North America at ibang bahagi ng Asya.
—-