Umakyat na sa halos 400 ang kaso ng aksidente sa kalsada sa nagdaang Semana Santa.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health, umabot na sa 383 ang bilang ng mga naaksidente nuong Holy Week, mas mababa ng 32% kumpara nuong nakaraang taon.
Sa kabuuang bilang 296 ang kaso na may kinalaman sa motorsiklo habang nasa mahigit 300 naman ang hindi ang hindi gumamit ng mga safety gear tulad ng helmet at seatbelt.
31 driver naman ang nagmaneho ng lasing o nasa ilalim ng impluwensya ng alak at 4 katao na ang naiulat na namatay.
Dahil dito, pinaalalahanan ng DOH ang mga motorista na iwasang uminom ng alak at siguruhing kumpleto ang tulog bago magmaneho upang maiwasan ang aksidente sa kalsada. —sa panulat ni Kat Gonzales