Pumalo na sa 386 ang bilang ng mga paaralan na lubos na napinsala ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon kay Michael Poa, Tagapagsalita ng Department of Education (DepEd), nasa 165 paaralan ang nagtamo ng pinsala sa imprastruktura sa bansa.
Dahil dito, kailangan nila ng P 1.17 – B para sa kontruksyon at pagsasaayos.
Hindi pa naman masabi ni poa na eksakto na ang pondong kailangan sa pagsasaayos dahil posible pa itong magbago kung magsasagawa ng inspeksyon ang deped sa mga paaralan.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang deped sa mga lgus para tignan kung mayroong pansamantalang espasyo ang mga ito na maaaring pagdarausan ng klase.