Kanya-kanyang diskarte ang mga residente ng Bocaue sa Bulacan para makapag-evacuate matapos abutin ng mataas na tubig baha dulot ng bagyong Ulysses.
Gumamit ng lumang refrigerator ang mga residente ng Barangay turo para makapag evacuate mula sa kanilang mga bahay na pinasok ng hanggang leeg na tubig baha.
Isang rope ang itinali mula sa kanilang mga bahay para mayruong mahaakan ang mga residente habang nasa loob ng lumang refrigerators.
Ayon sa mga residente mas malala ang bagyong Ulysses kaysa Ondoy.
Bukod sa paglilinis sa mga daan binigyang priority ng NLEX management para madaanan na ang bocaue toll plaza.
Lumabas din sa isang video ang bahang-bahang Bocaue crossing samantalang naging ilog naman ang ilang portion ng Mcarthur highway sa ilang bahagi ng Bocaue.
Samantala nagmistulang rumaragasang ilog ang national highway ng maasim sa bayan ng San Ildefonso dahil sa matinding buhos ng ulan dala ng bagyong Ulysses.
Hindi na madaanan ang nasabing highway dahil sa malalim na baha bukod pa sa nagtumbahang poste ng kuryente.
Sinabi ni San Ildefonso Mayor Carla Tan na umabot na sa bubong ang tubig baha sa ilang bahay.
Kaagad naman aniya nilang ni rescue ang mga residente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.