Napamahagian ng noche buena food packs ang kabuuang 3,873 household na may malnourished na mga bata sa kanilang pamilya.
Ipinamigay ang naturang food packs sa tulong ng pakikipag-ugnayan sa general services office, urban mission areas development office at barangay nutrition scholars ng lungsod.
Sinabi ni City nutrition office officer-in-charge Dr. Mercy Bunao na ang naturang aktibidad ay inisyatiba ni Aileen Olivarez na siya ring city nutrition action officer.
Iginiit ni olivarez, mas lumala ang isyu ng malnutrisyon sa mga bata nang sumirit ang pandemya.
Paliwanag naman ni bunao, nauuri ang mga kaso ng malnutrisyon bilang alinman sa Severe Acute Malnutrition (SAM) Moderate Acute Malnutrition (MAM) , at regular na tinatarget para sa nutrition intervention.
Sa ngayon, nasa 373 food boxes ang ipinamahagi sa buong lungsod sa mga sambahayan na may mga kaso ng SAM habang ang mas malaking bahagi ng 3,500 food boxes ay naibigay na sa mga sambahayan na may mga kaso ng MAM. - sa panunulat ni Hannah Oledan