39 na sibilyan ang patay sa airstrike na isinagawa ng Russia sa Raqa, Syria.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, humigit kumulang na 5 kabataan at 7 kababaihan ang nadamay.
Sa panig naman ng Islamic State o IS na siyang may hawak sa Raqa, patay ang 5 miyembro nito at halos 60 iba pa ang sugatan.
Ayon sa observatory, malinaw na layon ng naturang airstrike na paralisahin ang IS upang hindi na makapagdeploy ng tauhan nito mula Raqa patungong Palmyra area.
Matatandaang noong nakaraang mayo ay nakubkob ng IS ang UNESCO World Heritage Site na Palmyra kung saan sinira ang Temple of Bel bilang bahagi ng kanilang kampanya sa pagwasak ng mga pre-islamic monuments, tombs, at mga istatwa.
By: Avee Devierte