Wala nang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa 39 na barangay sa Cebu City.
Ayon sa Emergency Operations Center (EOC), mahigit 200 kaso na lamang ang mayroon sa lungsod hanggang nitong ika-5 ng Nobyembre.
Pinakamarami ang COVID-19 cases sa Barangay Guadalupe, sinundan ng Barangay Talamban na may 11, kasunod ang Barangay Bacayan at Barangay Inayawan na parehong may 8 kaso.
Samantala, plano ng Cebu City LGU na luwagan pa ang restrictions bunsod ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga impeksiyon sa lungsod.