Halos 40 ang patay habang 27 iba pa ang nasa ospital dahil sa pag-inom ng mura at pekeng alak sa hilagang bahagi ng India.
Sinasabing nagtataglay ang nainom na alak ng mga biktima ng methanol na isang toxic material na siyang dahilan ng pagkasawi ng mga ito.
Samantala, walo naman ang naaresto dahil na rin sa paniniwalang sila ang nasa likod ng pagkakalason.
Dahil dito, sinuspinde ng gubyerno ruon ang may 35 opisyal kabilang na ang 12 pulis dahil sa kapabayaan.