Patay ang 39 katao sa Timog Sudan matapos mag-crash ang isang Antonov AN-12 plane.
Kabilang sa mga nasawi ang 1 Russian at 5 Armenians.
Dalawampu’t isa (21) katao naman ang nasawi sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano.
Nabatid na ang nag-crash na cargo aircraft ay pag aari ng local allied services limited airline.
Ayon naman sa ulat ng local media sa sudan, sinabi ng south sudanese civil aviation authority na overloading o technical issue ang dahilan ng plane crash.
By Mariboy Ysibido