Pinagmartsa ng mga awtoridad mula sa Silay City, Negros Occidental ang 39 na mga idibidwal na walang suot na face mask bilang parusa sa paglabag sa umiiral na health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa video na ibinahagi ng Silay Police, makikita na naglalakad ang mga nahuling quarantine violators at hinarap pa umano sa isang kabaong.
Kasunod nito, paliwanag ng acting chief ng Silay City PNP na si Police Major Rollie Pondevilla, kanilang pinaglakad ang mga lumabag sa health protocols dahil hindi kasya ang mga ito sa loob ng istasyon ng pulis, dahilan para hindi masunod ang social distancing.
Matapos nito, bilang first offense, isinailalim sa orientation ang 39 na mga nahuling walang face mask at kalauna’y pinalaya rin.