Tiwala ang PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office na magiging maayos ang operasyon ng STL o Small Town Lottery lalo’t narebisa na ang IRR o Implementing Rules and Regulations para rito
Ito ang inihayag ni PCSO General Manager Royina Garma makaraang magbalik operasyon na ang STL sa 39 na mga lugar sa bansa na nabigyan ng Authority To Resume ng ahensya
Ayon kay Garma, ang mga nakapagpatuloy ng kanilang operasyon ay ang mga Authorized Agent Corporation o AC na nakasunod sa itinakdang kundisyon ng PCSO
Kablang na rito ang paglalagak ng Cash Bond na katumbas ng 3 buwang SAPI o Share ng PCSO sa GMMRR o Guaranteed Minimum Monthly Retail Reciepts
Dahil dito, ipinagmalaki ni garma na nakakolekta na sila ng 1.75 billion pesos na cash bond mula sa mga ACC sa loob lamang ng 4 na araw kung saan, bahagi ng kita nito ay ilalaan sa Charity Fund na siyang pinaka kailangan para matulungan ang mga kababayang may sakit at nangangailangan
Magugunitang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Lotto, STL, at iba pang laro sa ilalim ng PCSO nuong hulyo dahil sa usapin ng katiwalian