Personal na binisita ni Health Secretary Francisco Duque ang ilang tianggean para matiyak na masusunod ang minimum health standard.
Kasama ni Duque ang ilang tauhan ng Department of Health (DOH) na may bitbit na metering stick na ang haba ay nasa 1-metro.
Sinabi ni Duque na mahalagang regalo ngayong kapaskuhan ang pag-iingat sa sarili na hindi mahawahan o makahawa ng anumang sakit.
Maging ang mga vendor aniya ay kinausap na niya at ipinaalala sa mga ito na bukod sa pagkuha ng temperatura ay dapat matiyak na mayroong ipinatutuad na 1-meter distance ang bawat isa.