Pumalo na sa halos 392k ang kabuuang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department Of Health (DOH) ng 2,092 bagong kaso.
Ayon sa Doh, naitala ang pinakamataas na bilang ng new infections sa Davao City na umabot sa 129.
Sinundan ng Quezon City na 100, Quezon na 83, Northern Samar na 82 at Cavite na 80 new infections.
Samantala, nadagdagan naman ng 462 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa COVID-19.
Dahil dito, umaabot na sa 349K, 974 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa virus sa buong bansa.
Habang umakyat naman sa 7,461 ang deathtoll matapos madagdagan ng 52 bago nasawi.
Sinabi ng DOH, sa mahigit 34K aktibong kaso na nagpapagaling sa mga ospital at quarantine facility, 83.6% ang mild, 9.8% ang asymptomatic, 2.4% ang severe at 4.2% ang nasa kritikal na kondisyon.