Aabot sa 393 Persons With Disabilities (PWDs) ang nabigyan ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa El Nido, Palawan kahapon.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na sa ilalim ng programang BUHAYnihan o Buhay at Bayanihan para sa Mamamayan, Cash-for-Work Program for Persons with Disabilities ay nabigyan ang bawat indibidwal ng tig P2,000.
Ang nasabing programa ay inilunsad ni DSWD secretary Erwin Tulfo kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga may kapansanan at maipakita na patas at pantay ang pagtrato sa mga miyembro ng komunidad.—sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon