Nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa close contact ng Pinay na tiga-Cagayan valley at natuklasang nahawaan bagong variant ng coronavirus nang dumating na ito sa Hongkong.
Gayunman, sinabi ng Department Of Health (DOH) na hindi ang bagong variant ng Covid-19 na nadiskubre sa United Kingdom ang na-detect sa mga nabanggit na close contacts ng Pinay.
Ayon sa DOH, low viral load o mas karaniwang variant ng COVID-19 ang nakita sa mga naturang close contacts na nagmula sa Metro Manila at Cagayan.
Magugunitang noong nakaraang linggo, iniulat ng Hongkong authorities na isang biyahero mula sa Pilipinas ang nagpositibo sa UK variant ng coronavirus.
Kalauna’y tinukoy naman ng DOH ang naturang biyahero na isang domestic helper at nagnegatibo sa COVID-19 bago umalis ng Pilipinas.