Muling lumobo ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bayan ng Luna, Isabela dahilan upang magdesisyon ang lokal na pamahalaan nito na ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang bayan nitong tanghali ng Enero 25.
Batay sa Executive Order na ibinaba ni Mayor Jaime Atayde, alkalde ng bayan ng Luna, magtatagal ang lockdown hanggang Pebrero 7.
Ayon sa Alkalde, gagamitin nilang oportunidad ang dalawang linggong lockdown sa kanilang bayan upang magsagawa ng contact tracing at swab testing.
Matatandaang noong Enero 1, umakyat na sa 44 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan habang 26 dito ay itinuring na aktibong kaso. —sa panulat ni Agustina Nolasco