Namahagi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga food packs at hot meals sa mga residente ng Barangay Socorro sa Quezon City.
May kabuuang 3,000 food packs ang ipinamahagi sa pamamagitan ng AFP Mobile Kitchen para maghatid ng tulong sa mga residente sa gitna ng pandemyang COVID-19.
Ayon kay AFP Chief-of-Staff Gen. Cirilito Sobejana, patuloy ang AFP sa mga gawaing makatutulong sa komunidad para sa mga mahihirap at mga matinding naapektuhan ng pandemya.
Samantala, ang mga makatatanggap ng naturang food packs ay ang mga street sweepers, pedicab drivers at pamilya nito, at mga nakatira sa mga lugar na matinding naapektuhan ng COVID-19.
AFP Mobile Kitchen feeds families in Quezon City
CAMP AGUINALDO, Quezon City – The Armed Forces of the Philippines…
Posted by Armed Forces of the Philippines on Thursday, 29 April 2021