Pumalo na sa mahigit 3,000 kaso ng leptospirosis ang naiulat sa bansa.
Sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH), tumaas ito sa 84% kumpara sa 1,754 kaso sa parehong panahon noong 2021.
May pinakamataas na bilang ng leptospirosis ang National Capital Region 725, Western Visayas; 402 at Cagayan Valley; 344.
Habang aabot sa mahigit 100 ang nasawi mula sa NCR, Visayas at Central Luzon.
Kasabay nito, nagpaalala ang kagawaran sa publiko na iwasang lumusong sa baha lalo na sa mga may sugat. —sa panulat ni Jenn Patrolla