Tinatayang 3k tourism workers sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan ang sinimulan ng bakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mahigit 2,600 sa mga nabanggit na manggagawa ay nagtatrabaho sa mga hotel, resort, restaurant at tourist transport.
Ang nalalabi namang halos 400 ay pawang tourism frontline personnel na kinabibilangan ng mga tour guide, bangkero, e-trike driver at airport o seaport frontliner.
Plano ng Department of Tourism na 500 tourism workers ang bakunahan kada araw upang maabot ang target.
Hulyo 3 nang dumating sa Boracay ang nasa 3k dose ng SINOVAC bilang bahagi ng hakbang upang mapanumbalik ang kabuhayan sa pangunahing tourist destinasyon ng bansa. —sa panulat ni Drew Nacino