Nasa 3M doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang i-donate ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ito ang sinabi ni National Task Force against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa kung saan ay sputnik v vaccines ang kanilang ibibigay sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kabilang dito ang Cambodia at Myanmar na may shortage sa suplay ng bakuna.
Matatandaan na noong Abril ay nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa Papua New Guinea at Myanmar para sa pagsasaayos ng mga donasyon.