Inaasahang papalo sa tatlo hanggang apat na milyong katao ang dadagsa sa Manila North Cemetery ngayong Undas 2022.
Kasunod ito dalawang taong pagsasara ng naturang sementeryo dahil sa Covid-19 pandemic.
Ayon sa pamunuan ng MNC, sabik na ang publiko na mabisita ang kanilang namayapang mahal sa buhay sa mismong araw ng All-Saints at All Soul’s Day.
Sa pahayag ni Roselle Castaneda, officer in charge ng Manila North Cemetery, naglagay na sila ng inspection area kung saan, nakabantay ang mga inassign na Pulis para inspeksiyonin ang mga vaccination card ng mga bibisita.
Samantala, muli namang pinaalala ng pamunuan ang mga bawal o hindi maaring dalhin sa loob ng sementeryo kabilang na ang nakalalasing na inumin, flammable materials, baril, at matutulis na bagay gaya ng kutsilyo.
Bukod pa dito, ipinagbabawal din ang pagsusugal at hindi din papayagan ang mga hindi pa bakunado maging ang mga batang edad dose pababa.
Bubuksan ang mga sementeryo mula October 29 hanggang November 2 at magsisimula ng alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kung saan, ipagbabawal rin ang mga nagtitinda ng pagkain, bulaklak, at kandila sa loob ng sementeryo.