Nagdeklara na ng forced evacuation sa San Mateo Rizal matapos iakyat sa 3rd alarm ang ilang lugar sa San Mateo.
Itoy makaraang umakyat sa 21.58 meters ang water level sa Batasan Bridge bunsod ng patuloy na pag-ulan kasama ng malalakas na hangin bunsod ng bagyong Karding at Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Apektado ngayon ang ilang lugar sa San Mateo Rizal, kabilang na Banaba, Malanday at Guinayang Gravel Pit, Maly Sitio Ibayo, Sta Ana, Ampid 1 at 2, Dulong Bayan 1 at 2, Guitnang Bayan 1 at 2.
Sa ngayon wala namang naitalang untoward incident at nadadaanan pa rin ang mga pangunahing kalsada sa mga nabanggit na lugar habang umabot naman sa gutter deep ang tubig baha sa Secondary Road sa Barangay Malanday.
Pinag-iingat at pina-a-alerto naman ng mga otoridad ang mga residente sa mga nabanggit na lugar para sa kanilang kaligtasan.