Nangako si Department of Justice Secretary Leila de Lima na isasapubliko kaagad ang mga pulitiko na kasama sa 3rd batch ng mga isinasangkot sa pork barrel fund scam.
Ang pahayag ni de Lima ay bilang tugon na rin sa hinala ng mga whistleblower sa pangunguna ni Atty. Levito Baligod na mayroong pinagtatatakpang pulitiko ang Department of Justice (DOJ).
Ngunit, ayon kay de Lima, gaya ng mga nakaraang proseso, ihahayag sa publiko ang listahan ng mga sasampahan ng kaso tulad ng paghayag ng DOJ sa mga pangalan nina Sen. Bong Revilla, Jr., dating Senate President Juan Ponce enrile at iba pang mga idinadawit sa naturang anomalya.
Posible rin aniyang maisampa na sa susunod na linggo ang 3rd batch ng PDAF cases.
By Jelbert Perdez | Bert Mozo (Patrol 3)