Nagpasa ng preliminary clinical data sa health authorities ng US ang Pfizer and Biontech.
Ito ay bahagi ng kanilang hakbang para makakuha ng authorization para sa 3rd dose ng kanilang bakuna kontra COVID-19 para sa mga mamamayan doon.
Nitong nakaraang linggo, pinayagan ng Amerika ang booster shots ng Pfizer at Moderna para sa mga may mahinang immune system.
Ayon sa datos na sinumite ng Pfizer, ang 3rd dose ng nasabing bakuna ay nagpakita ng antibody levels na nahigitan ang 2 dose preliminary schedule.
Plano namang isumite ng nasabing kumpanya ang kaparehong datos sa European Authorities sa mga susunod na linggo.—sa panulat ni Rex Espiritu