Pormal nang nagbukas ang 3rd regular session ng 16th Congress.
Pinangunahan ni House Speaker Feliciano Belmonte ang pagbubukas sa kamara habang si Senate President Franklin Drilon naman ang siyang nanguna sa senado.
Sa naging talumpati ni Belmonte ipinagmalaki nito ang mga naipasang batas ng kongreso tulad ng Kasambahay Law at ang kontrobersiyal na Reproductive Health Law.
Sinabi rin ni Belmonte na naging matagumpay ang daang matuwid ng administrasyong Aquino.
Buo ang loob ni Belmonte na maipapasa na sa sesyon na ito ang panukalang Economic Charter Change at Bangsamoro Basic Law.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Drilon ang mga mambabatas na maglingkod sa tao at hindi sa interes lamang ng ilan.
Siniguro rin ni Drilon na parte na lamang ng nakalipas ang pork barrel fund system.
Sa pagbubukas ng senado, 19 na senador ang dumalo habang bigo naman dumating si Senator Miriam Santiago dahil sa kanyang sakit.
Senate Contingent
Kaagad sinuspindi ang sesyon ng senado matapos ang talumpati ni Senate President Franklin Drilon kaugnay sa pagbubukas ng 3rd regular session ng 16th Congress ngayong araw na ito.
Kasabay nito ay ang pagpasa sa resolution number 8 o ang paglikha ng Joint Notification Committee.
Bahagi ng contingent ng senado sina Senador Loren Legarda, Sonny Angara, Pia Cayetano, Grace Poe, Bam Aquino at JV Ejercito.
By Rianne Briones | Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19) | Jill Resontoc (Patrol 7)