Binuksan na kaninang alas-10 ng umaga ang 3rd regular session ng kamara para sa ika-18th congress nito.
Ito’y pinangunahan ni House Deputy Speaker Mikee Romero.
Sa 300 kongresista, 46 dito ang pisikal na dumalo sa plenaryo habang ang iba naman ay sa pamamagitan ng teleconferencing.
Kasunod nito, ay inaprubahan na ng kamara ang iba’t-ibang resolusyon hinggil sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mababatid na kinabibilangan ito ng resolusyong nagpapabatid sa pangulo na pormal nang nagbukas ang sesyon ng kamara at nakahanda na rin ito para sa joint session kasama ang Senado.