Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang hanggang sa susunod na buwan ang National Telecommunications Commission (NTC) para pumili ng third player o kumpanya sa larangan ng telekomunikasyon sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, oras na wala pa ring mapipili ang NTC, siya na mismo ang magdedesisyon dito.
Kasunod nito tiniyak ni Information and Communications Technology Officer in Charge Eliseo Rio na kanila nang iaanunsyo ang mapipiling ikatlong telecommunications company sa Disyembre.
Sinabi ni Rio na nakasunod pa rin aniya ito sa kanilang timeline lalo’t nagbigay na ng deadly deadline ang Pangulo.
Idinepensa rin ni Rio ang NTC at sinabing nagiging maingat lamang ito sa pagpili sa third telco player para matiyak na hindi ito mahaharang ng TRO o temporary restraining order.
—-