Nilinaw ng Department of Information and Communications Technology o DICT na nais lamang na makatiyak ng pamahalaan sa kredibilidad ng mga kumpaniyang papasok sa Pilipinas para magsilbing third telco player.
Ito’y ayon kay DICT Officer in Charge Eliseo Rio ay kasunod ng kumpirmasyong hindi pa mai-aanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang third player sa kaniyang State of the Nation Address o SONA sa Hulyo 23.
Gayunman, sinabi ni Rio na mahalagang masimulan na ang bidding process para sa mga kumpanyang nagnanais pumasok sa industriya ng telecom o telecommunications industry sa bansa.
Kasunod nito, sinabi ni Rio na kung magiging maayos lamang aniya ang takbo ng bidding process, tiyak na mai-aanunsyo na ang ikatlong telco player bago matapos ang taong ito.