Imposible nang umabot pa sa itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sana’y pagsisimula sa unang quarter ng taong kasalukuyan ang operasyon ng third Telco player.
Ito ang inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ginanap na pulong balitaan sa Sara Iloilo.
Ayon kay Roque maraming naganap na hindi mga inaasahang pangyayari na mas kailangan unahin at pagtuunan ng atensyon ng gobyerno.
Dahil dito, sinabi ni Roque na mapipilitan si Pangulong Duterte na iurong ang deadline.
Magugunitang una nang humirit si Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio na palawigin pa ang deadline ngunit hindi ito pinagbigyan ng Pangulo.
Nais ni Pangulong Duterte na tuluyan nang matuldukan na ang Duopoly ng dalawang higanteng Telco sa bansa na aniya’y nagbibigay naman ng hindi magandang serbisyo.
Posted by: Robert Eugenio