Posibleng magsimula na ng kanilang operasyon sa susunod na buwan ang Mislatel Consortium bilang third Telco ng bansa.
Ito, ayon sa consortium member na Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corporation ay matapos makumpleto kahapon ang paglagda sa share purchase agreement (SPA).
Sinabi ni Chelsea Vice President for Finance Ignacia Braga na ang kasunduan ay nilagdaan nina Udenna Chairman Dennis Uy, Chelsea President at CEO Chryss Alfonsus Damuy at China Telecom deputy managing director Xiao Wei.
Target ng consortium na sa Hulyo ay makakakuha na sila ng prangkisa o certificate of public convenience and necessity para sa kanilang operasyon.
Sinabi naman ni Damuy na umaasa silang sa buwan ng Hulyo ay maaayos na ang lahat.
Ang paglagda aniya sa kasunduan ay simula na nang pagtupad ng misyon nilang mabigyan ng mas mabilis at reliable na internet connection ang publiko.