Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi malayong magkaroon ng third wave ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kapag isinailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Sa mahigit 12,000 kaso ng COVID-19 sa bansa, halos 9,000 rito ang mula sa Metro Manila.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, kailangang may sapat nang kakayahan para sa mass testing bago isailalim sa GCQ ang Metro Manila.
Target anya nila na maisailalim sa COVID-19 test ang na nasa 2% ng papulasyon o 2-milyon katao.
Batay sa datos ng DOH, sa ngayon ay nasa mahigit 200,000 katao pa lamang ang kanilang nabigyan ng COVID-19 test.