Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Camarines Sur 6:51 kagabi.
Namataan ang lindol 5-km ang layo sa Southeast ng bayan ng Canaman sa nabanggit na probinsya na may lalim na 4-km.
Ayon sa PHIVOLCS, nasundan pa ito ng dalawa pang pagyanig ala-una kaninang madaling araw sa nasabing lugar.
Dahil dito, naitala ang intensity 5 sa Canaman, Camarines Sur ; City of Naga; intensity 4 – Calabanga, Camaligan, Milaor, Pili and San Fernando, Camarines Sur; intensity 3 – Sipocot, Camarines Sur.
Habang nakapagtala din ng instrumental intensity 5 – Pili and Sipocot, Camarines Sur; intensity 2 sa Mercedes, Camarines Norte; Iriga City, Camarines Sur at intensity 1 naman sa Daet, Camarines Norte. —sa panulat ni Angelica Doctolero