Tinatayang aabot sa 4.4 million low-income individuals sa National Capital Region (NCR) ang tumanggap ng financial assistance mula sa gobyerno.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), pumalo na sa P4.47-B ang naipamahagi ng mga local government unit sa NCR plus o nasa 40.07% na ng financial assistance ang naipamigay na sa sa 4,477,090 individuals.
Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, pursigido aniya ang mga lgus sa pamamahagi ng ayuda at tinitiyak umano ng mga ito na talagang naibibigay sa mga benepisyaryo ang pinansyal na tulong na para sa kanila.
Matatandaan na inaprubahan ni Pang. Rodrigo Duterte ang p22.9b na ayuda para sa 22.9 million na mga beneficiaries sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite, kung saan tinatayang aabot sa 1,000 hanggang 4,000 ang matatanggap na halaga kada pamilya.