Nakatakda nang ipamahagi ng National Food Authority o NFA ang nasa 4.5 milyong sako ng bigas.
Ito ang kinumpirma ni Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino.
Bahagi aniya ang mga nasabing bigas ng delayed shipment na inangkat ng NFA.
Dahil sa inaasahang pagtaas ng suplay ng bigas, umaasa si Lambino na bababa na ang presyo nito sa mga merkado.
Tinatayang aabot naman sa 2.7 million sacks of rice ang ilalaan para sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi provinces o Zambasulta area.
Kabilang ang DOF sa NFA Council na siyang policy-making body ng National Food Authority.