Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang bayan ng Bongabong sa Oriental Mindoro nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nangyari ito bandang ala-7:28 ng gabi.
12 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Natukoy ang epicenter ng lindol sa timog-kanluran ng Bongabong, Oriental Mindoro.
Naitala naman ng Phivolcs ang intensity 3 sa Calapan City, Oriental Mindoro; intensity 2 sa San Jose, Occidental Mindoro at Mulanay, Quezon; at intensity 1 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, Batangas City, Batangas, at Lopez, Quezon.
Sinabi ng PHIVOLCS na wala namang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico