Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Zambales.
Ipinabatid ng PHIVOLCS na naitala ang sentro ng pagyanig sa 7 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Cabangan pasado alas 8:00 kaninang umaga.
Ang naturang lindol ay may lalim na 55 kilometro at tectonic in origin.
Naitala naman ang intensity 4 na lindol sa San Felipe, Zambales at intensity 3 sa Quezon City at Malabon City samantalang ang instrumental intensities na intensity 3 sa Olongapo City at intensity 1 sa Quezon City, Marikina City, Malolos City sa Bulacan Gapan City sa Nueva Ecija at Guagua sa Pampanga