Niyanig din ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao Oriental alas-onse y sais kahapon ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang pagyanig sa layong 174 kilometers sa munisipalidad ng Tarragona, Davao Oriental.
May lalim ang lindol na 84 kilometers at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Wala namang naiatalang nasawi o nasugatan habang wala ring inaasahang damage at aftershock matapos ang lindol.